Ex-pros, late rookie applicants puwede pang humabol sa PBL Draft ngayon

MANILA, Philippines - May pagkakataon lamang ang mga ex-pros at late rookie applicants na hanggang ala-1 ng hapon ngayon upang makapagpatala para sa second draft ng PBL PG Flex UK Derm Open Conference.

Ang naturang draft, ayon kay PBL Executive Director Butch Maniego ay magsisimula ng alas-2 ng hapon sa The Old Spaghetti House, ground floor sa Forum Robinson’s sa may EDSA corner Pioneer St.

“We will give them time to file their application,” ani Ma­niego.

Kabilang sa mga bagong koponan ang Excel Roof, Agri Nurture, Inc. at Fern C ang tatlo sa apat na bagong teams na inaasahang magpapakita ng aksyon sa PBL-season-ope­ning tournament na nakatakda sa Pebrero 13.

Ang tatlong nabanggit ay makakasama ng Pharex at Cobra Energy Drink.

Nag-leave of absent naman ang Harbour Centre, may hawak na record na pitong sunod na kampeonato bunga ng kani­lang commitment sa ASEAN Basketball League (ABL).

Ipakikilala naman ng Pascual Laboratories ang Ascof Lagundi bilang kanilang primary team, habang muling bu­buha­yin ng Asia Brewery ang ka­saysayan ng Tanduay brand bilang kanilang second unit, ang nasabi ring koponan ang siyang nagdomina sa liga sa huling bahagi ng dekada 90s.

Nagwagi ang Tanduay-Stag ng Asia Brewery ng pitong ko­rona, kabilang ang limang su­nod sa panahon ng kanilang dominasyon.

Isa pang koponan na bu­buuin ng mga manlalaro ng Adamson Falcons UAAP team ang kasalukuyang pang nakikipagnegosasyon para sa kanilang pagsali sa liga.

Show comments