'Run for Your Heart' patakbo ng PSC sa Peb. 14
MANILA, Philippines - Mahigit sa 12,000 runners ang inaasahang lalahok sa fun run na tinaguriang ‘Run for Your Heart,’ na inorganisa ng Philippine Sports Commission sa Pebrero 14 na magsisimula at magtatapos sa Quirino Grandstand.
Ang nasabing karera ay isa lamang sa nakalinyang aktibidad sa pagdiriwang ika-20th anibersaryo ng PSC, na lalahukan ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at empleyado ng PSC, Ateneo Law School, Greenhills Running Club, Pinoy Ultra Runners, Philippine Skyrunners Association at national athletes at iba pa.
“This fun run is not only promoting wellness and a healthy lifestyle but also camaraderie and sportsmanship among participants,” wika ni PSC chair Harry Angping.
Ayon sa PSC chief, imbitado ang sinuman na sumali sa naturang event na itinaguyod ng XTEP Corp. (China), Pepsi-Gatorade Corp., sa kooperasyon ng Filipino-Chinese Amateur Athletic Federation.
Paglalabanan sa karera ang 3K, 5K at 10K categories.
Ang karera ay tatahak sa Roxas Boulevard at magtatapos ito sa Quirino Grandstand kung saan ang top three sa 10K sa lalaki at babae ay tatanggap ng P10,000,P5,000 at P3,000, ayon sa pagkakasunod, habang ang 1st hanggang 3rd placers sa 5K ay pagkakalooban ng 5,000, P3,000 at P2,000.
- Latest
- Trending