Smart Gilas 3rd place lang

DUBAI- Umiskor si Mac Baracael ng 26 points, habang humugot naman si Mark Barroca ng 18 sa kanyang 21 points sa fourth quarter para tulungan ang Smart Gilas Pilipinas sa 107-98 paggupo sa Al Jalaa ng Syria, 107-98, at angkinin ang third place trophy sa 21st Dubai Invitational dito.

Bago talunin ang Al Jalaa, natalo muna ang Natio­nals sa Al Riyadi ng Lebanon, 76-79, sa semis round.

“We said in the morning we have to show mental toughness now after the loss to Al Riyadi but I think in the second half we showed wonderful basketball, a lot of aggressiveness, a lot of intensity,” ani Serrbian coach Rajko Toroman. Nahubaran naman ng korona ang Al Riyadi ng Lebanon nang yumukod sa Mahram ng Iran, 67-85, sa kanilang title match.

Ito na ang pinakamagandang pagtatapos ng Smart Gilas matapos maging fourth-placer sa nakaraang im­port-laced FIBA-Asia Champions Cup sa Jakarta, Indonesia noong nakaraang taon.

Show comments