UK Derm bagong partner ng PBL

MANILA, Philippines - Mayroong bagong partner ang Philippine Basketball League (PBL) sa kanilang pag­diskubre sa mga bagong collegiate heroes sa pagpasok ng isa sa nangungunang skin care companies sa bansa--ang UK Derm Pharma.

Pumayag ang UK Derm, gumagawa ng Erase Placenta at Erase Solutions, na maging league’s co-title sponsor sa pag­tulong nito sa hangarin ng PBL na tulungan ang mga collegiate stars na matupad ang kani-kanilang mga pangarap na makalaro sa pro-leage sa hinaharap.

Ayon kay Louie Gamboa, president ng UK Derm Pharma, Inc., na ang paglahok nila sa PBL ay ‘dream come true’ sa matagal na nilang paghahanap ng venue upang makatulong sa Philippine sports partikular na sa basketball.

“It has long been our desire to help Philippine basketball and we’re now glad we’re now part of the PBL. Basketball is very close to the heart of the Fi­lipinos, especially the young ones,” ani Gamboa na isang sports-loving.

Nakatakdang magbukas ang season-opening tournament sa susunod na buwan tampok ang walong koponan.

“Our company and the PBL have the same vision in promoting basketball in the country. We also believe that PBL is a perfect tool for our marketing since the league enjoys large following even in the countryside,” dagdag pa ni Gamboa.

Show comments