^

PSN Palaro

72nd Corus chess championship:So umiskor ng panalo sa Romanian GM

-

WIJK AAN ZEE, Ne­therlands--Nakasulong na rin ng panalo si Filipino Grandmaster Wesley So makaraan ang li­mang magkakasunod na draw.

Tinalo ni So si 2005 European champion GM Liviu-Dieter Nisepeanu ng Romania sa sixth round ng 72nd Corus chess tournament dito sa De Moriaan Community Centre.

Dinaig ng 16-anyos na Filipino pawnpusher ang ginamit ni Nisipeanu na isang hyper-modern Reti opening mula sa kan­yang solidong Slav for­mation para sa kanyang unang tagumpay sa naturang 13-round, ca­tegory-16 tournament.

Ibinandera ni So ang isang rook, dalawang knights at limang pawns kumpara sa isang rook, dalawang bishops at tat­long pawns ni Nisipea­nu.

Tuluyan nang isinuko ni Nisipeanu ang laban sa 35 moves.

 “It’s a big win for Wes­ley--with black,” wi­ka ni Filipino GM Buenaventura “Bong” Vil­la­­mayor, isa sa iilang chess players na guma­gawa ng analysis para sa Chessdom.com.

Dahil sa kanyang pa­nalo, tumabla si So sa third hanggang sixth pla­ces kasama sina top seed GM Arkadij Nai­ditsch ng Germany, Pentala Harikrishna ng India at David Howell ng England mula sa mag­kakatulad nilang 3.5 points.

Nasa itaas nila ang na­ngungunang sina GM Anish Giri ng the Ne­ther­lands at isang puntos ang layo sa likod ni GM Ni Hua ng China at Erwin l’Ami ng Netherlands.

ANISH GIRI

ARKADIJ NAI

DAVID HOWELL

DE MORIAAN COMMUNITY CENTRE

FILIPINO GRANDMASTER WESLEY SO

LIVIU-DIETER NISEPEANU

NI HUA

NISIPEANU

PENTALA HARIKRISHNA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with