^

PSN Palaro

Ika-4 na draw ni So

-

WIJK AAN ZEE, Nether­lands --Sa pang apat na su­nod na pagkakataon, muling nauwi sa draw ang laban ni Filipino Grand Master Wesley So sa 72nd Corus chess tournament dito sa De Moriaan Community Centre.

Nakipagkasundo si So kay GM Parimartjan Negi ng India sa draw matapos ang 36 moves ng Sicilian sa fourth round ng torneo.

Parehong sumulong ng isang rook at apat na pawns ang magkatulad na 16-anyos na sina So at Negi, ang ikalawang pinakabatang chess player na na­kasikwat ng GM title.

Si Negi ay naging GM sa edad na 13-anyos, habang 14-anyos naman si So nang ma­kakuha ng GM title.

Bago si Negi, nauwi rin sa draw ang mga laban ni So kina top seed GM Arkadij Naiditsch ng Germany sa first round, No. 1 seed GM Erwin l’Ami ng the Netherlands sa second round at eighth seed GM Varuzhan Akobian ng United States sa third round.

Sa kanyang 2.0 points, nakatabla si So sa sixth hanggang 10th places sa nasa­bing 14-player, round-ro­bin tournament.

Si So ay nasa ilalim nina GMs Ni Hua ng China at Anish Giri ng the Netherlands na kapwa nakuntento sa draw.

ANISH GIRI

ARKADIJ

DE MORIAAN COMMUNITY CENTRE

FILIPINO GRAND MASTER WESLEY SO

NEGI

NI HUA

PARIMARTJAN NEGI

SI NEGI

SI SO

UNITED STATES

VARUZHAN AKOBIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with