Wade tumulong sa Heat sa paggiba sa Pacers

MIAMI--Sa 119 players sa 3-point ac­curacy chart ng kasalukuyang NBA season, magugulat ang Indiana Pacers kung sino ang susunod sa pi­nakahuli sa listahan.

Ngunit hindi komportable si Dwya­ne Wade.

 May malamyang 27 percent shoo­ting mula sa long range, isinalpak ni Wade ang una sa kanyang apat na tangka sa 3-point area pa­­tungo sa kanyang game-high 32 points para igiya ang Heat sa 113-83 paggiba sa Pacers kahapon.

“I’ve been feeling good about my shot lately,” wika ni Wade, itinala ang kanyang 11,000-point mark para sa kanyang NBA career sa isang layup sa second quarter. Naglista si Wade ng 12-of-20 sa kabuuan ng laro at hu­makot ng 18 puntos sa first quarter para sa 21-19 baraha ng Heat.

Nagdagdag si Michael Beasley ng 21 marka para sa Miami, nagtayo ng malaking 36-19 sa first quarter at nagtarak ng isang 23-point lead kontra Indiana sa third period.

Umiskor si Brandon Rush ng 17 puntos sa panig ng Pacers, may 4-17 sa kanilang road games at 0-3 laban sa Heat.

Sa Cleveland, kumana si LeBron James ng 28 puntos na tinampukan ng ilang maningning niyang dunks at banderahan ang Cavaliers sa paggupo sa Toronto Raptors, 108-100.

Nagposte rin si James ng 11 as­sists at siyam na rebounds kung saan napaganda ng Cavaliers ang kanilang record sa Quicken Loans Arena sa 15-3.

Show comments