^

PSN Palaro

ROS may tiket na sa wildcard phase dahil sa panalo ng Coke

-

MANILA, Philippines - May dapat ipagpa­salamat ang Rain Or Shi­ne kay Asi Taulava at sa Coca-Cola.

Kumolekta ang 6-foot-9 Fil-Tongan ng 20 puntos, 11 rebounds at 5 assists upang tulu­ngan ang Tigers sa isang 91-89 tagumpay kon­tra Barako Bull sa second round ng 2009-2010 PBA Philippine Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ang panalo ng Tigers ang nagbigay sa Elasto Painters ng libreng tiket patungo sa wildcard phase kasabay ng pagpapatalsik sa Energy Boosters.

Sumakay sa kani­lang three-game winning streak, iniangat ng Coke ang kanilang re­kord sa 6-12 sa ilalim ng semifinalist San Miguel (13-5), Alaska (12-4), Barangay Ginebra (12-6), Purefoods Tender Juicy (11-6), nag­dedepensang Talk ‘N Text (11-7), Sta. Lucia (10-7) at Burger King (5-12) kasunod ang Rain Or Shine (4-13) at Ba­rako Bull (3-15).

Ang krusyal na turn­around jumper ng 6-foot-9 na si Taulava laban kina 6’6 Alex Crisano at 6’1 Ogie Menor sa huling 1.5 segundo ang nagtawid sa Tigers sa Energy Boosters.

“We’ll play Burger King in the wildcard, so we have to be ready for them,” sambit ng 2003 PBA MVP na si Tau­lava.

Nauna rito, inilista ng Coke ang isang 20-point lead, 74-54, mula sa isang fastbreak basket ni Norman Gonzales sa 11:24 ng fourth quarter bago nagtuwang na­man sina Crisano, Me­nor, Jojo Duncil at Chad Alonzo upang ila­pit ang Barako Bull sa 84-87 sa 2:02 nito.

Isang jumper ni Dennis Espino ang naglayo sa Tigers sa 89-84 sa 1:42 ng final canto kasunod ang dalawang split ni Alonzo at ang tres ni Aries Dimauna­han at itabla ang laban sa 89-89 sa huling 5.0 segundo. (RCadayona)

ALEX CRISANO

ARIES DIMAUNA

ASI TAULAVA

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BURGER KING

CHAD ALONZO

CUNETA ASTRODOME

ENERGY BOOSTERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with