^

PSN Palaro

Full marathon kasama na sa Condura Run 2010

-

MANILA, Philippines - Upang mapatingkad ang kompetisyon sa Condura Run 2010 ay isi­nama na ng mga organizers ang full marathon sa kanilang patak­bo na sasambulat sa Peb­rero 7 sa The Fort sa Taguig.

Taong 2008 nang si­nimulan ang patakbong ito na suportado ng Condura Industries at ang tampok na kare­ra rito ay ang 10K distance. Noong nakaraang taon ay pinalawig ang karera sa 21-K half marathon at sa taong ito ay isinama na ang 42.195 karera.

Layunin ng pagkapasok ng marathon na mahila rin ang bilang ng mga kalahok tungo sa record na 8000.

Maliban sa 42K ay may itatakbo ring ka­rera sa 21K, 10K, 5K at 3K dis­tansya at maliban sa huling dalawang distansya, ang mangu­ngunang tatlong runners sa ibang kategor­ya ay magkakamit ng prem­yong salapi buhat sa kabuuang P300,000 na inilatag.

Ang kampeon sa 42K ay mag-uuwi ng P60,000, ang 21K cham­pion ay may P10,000. 

CONDURA INDUSTRIES

CONDURA RUN

LAYUNIN

MALIBAN

NOONG

PEB

SHY

TAGUIG

TAONG

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with