BEST session gaganapin sa Xavier

MANILA, Philippines - Bubuksan ngayon ang BEST Center’s Saturday-only classes sa Xavier School.

Tampok sa nasabing clinic ang Introduction sa Basket­ball para sa levels 1, 2 at 3. Ito ay nakatakda tuwing Sa­bado mula ala-1 hanggang alas-4 ng hapon.

Samantala, ngayon ang huling araw para magpatala para sa Saturday-only sessions sa dalawang venues--Ate­neo College Covered Courts at Malate Catholic School. Ang Sunday-only classes naman ay sa Starmall Alabang na tatanggap pa ng mga enrollees hanggang bukas.

Gaganapin ang mga classes sa Ateneo at Malate mula alas-8:30 hanggang alas-11:30 ng tanghali habang ang session naman sa Starmall Alabang ay mula ala-1 hanggang alas-4 ng hapon.

Show comments