^

PSN Palaro

Pinay swimmer sasanayin ng mag-amang Hall sa US

-

MANILA, Philippines - Hindi lamang si tennis sen­sation Francis Casey Al­­cantara ang naghahanda para sa 2010 Youth Olympic Games na nakatakda sa Ago­sto 10-26 sa Singapore.

Nagtungo na si Filipina swimmer Dorothy Hong patungong Florida upang magsanay sa “The Race Club Swimming Camp,” isang high-performance training center sa United States.

Ngunit hindi basta-basta ang mga coaches na haha­wak sa 16-anyos na si Hong. Si Hong ay sasanayin ng mag-amang sina Gary Hall, Sr. at Gary Hall, Jr., pawang mga nanalo ng medalya sa Olympic Games.

Si Hall Sr. ay nagsanay sa Pilipinas bago nakala­ngoy ng silver medal sa Me­­xico Olympic Games no­ong 1968, samantalang si Hall, Jr. ay bumingwit ng limang gold medals sa Olympics noong 1996 sa Atlanta, USA, 2000 sa Sydney, Australia at 2004 sa Athens, Greece.

Nakadalo na si Hong, su­mabak sa una niyang South­east Asian Games sa Laos noong nakaraang taon, sa New South Wales Institute of Sport (NSWIS) kung saan naging produkto si Australian Olympic champion Ian Thorpe.

Kasalukuyan ring nagsasanay sa NSWIS sina Youth Olympics-bound swimmers Jessie Lacuna, Jas­m­ine Alkhaldi, Banjo Borja at Jose Gonzales.

Ang 17-anyos na si Al­can­tara ang unang nabigyan ng outright entry para sa Youth Olympic Games sa Singapore mula sa kanyang panalo sa boy’s doubles event ng Australian Open noong 2009 katambal si Taiwanese Hsieh Cheng-peng. (Russell Cadayona)

ASIAN GAMES

AUSTRALIAN OLYMPIC

AUSTRALIAN OPEN

BANJO BORJA

DOROTHY HONG

FRANCIS CASEY AL

GARY HALL

IAN THORPE

OLYMPIC GAMES

SHY

YOUTH OLYMPIC GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with