^

PSN Palaro

Burlington, PBA magpartner uli

-

MANILA, Philippines - Muling nagkasundo ang Burlington at ang Philippine Basketball Association sa kanilang tambalan nang mahigit ng dalawang dekada.

Ang relasyon ng Burlington at PBA ay nagsimula pa noong 1986 nang pumasok sa isang kasunduan ang hosiery sa kauna-unahang pay-for-play league ng Asya upang maging isponsor ng kanilang basketball school on air kasama si Norman Black. Ang Burlington ang napiling official PBA socks isang pahayag sa kuwalidad at kasikatan nito. Inilunsad din ng dalawang organisasyon ang Batang PBA summer tournaments at clinic na nagbenepisyo ang libu-libong kabataan na may edad 12-under.

“We are proud to be part of the PBA community and partner in giving the public worthy projects for 24 years now,” ani Ruddy Tan, General Manager ng Burlington Industries Phils, Inc.

Pinalawak na rin ng Bur­lington ang kanilang kompanya sa isang footcare line kasama ang FlexGel & SofiGel products na hindi lamang sa PBA kundi maging sa iba pang sports development tulad ng badminton, cycling at football.

vuukle comment

ANG BURLINGTON

ASYA

BATANG

BURLINGTON

BURLINGTON INDUSTRIES PHILS

GENERAL MANAGER

INILUNSAD

NORMAN BLACK

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

RUDDY TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with