^

PSN Palaro

Importanteng panalo asam ng Alaska at Sta. Lucia

-

MANILA, Philippines - Dalawang panalo pa ang kailangan ng Alaska para makakuha ng outright semifinal slot sa KFC PBA Philippine Cup na magpapatuloy ngayon sa Araneta Coliseum.

Sasagupain ng dating leader na Aces ang naghahabol din sa awtomatikong semis slot na Sta. Lucia Realty sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng sagupaan ng bagong league-leader na San Miguel at Coca-Cola.

Ang panalo ng Aces ngayon, ay sisiguro sa kanila ng playoff ticket para sa huling automatic semis berth at pagkatapos ng larong ito, may tatlong pagkakataon sila sa semis-ticket-clinching win laban sa Purefoods, Burger King at Rain Or Shine.

Nakopo na ng SMBeer ang unang automatic semis ticket na ipagkakaloob sa top two teams pagkatapos ng elimination round, dahil sa 13-3 kartada na sinusundan ng 11-3 record ng Alaska.

Habol na lang ngayon ng Beermen ang No. 1 seeding kaya hangad nila ang ikalimang sunod na panalo laban sa Coca-Cola (3-12) na naghahabol naman sa wild card phase na dadaanan ng No. 6,7, 8 at 9 team kung saan ang survi­ving team ay makakasama ng No. 3, 4 at 5 teams na bibigyan ng automatic quarterfinal slot.

Nais makabangon ng Aces sa ikalawang sunod na talo at maduplika ang 91-84 panalo laban sa Realtors noong Nov. 4.

May tsansa pa rin ang Realtors na may 9-6 record sa outright semis ngunit hindi na sila dapat matalo at kasabay nito, hindi na rin dapat manalo ang Aces na siyang may pinakamagandang tsansa sa automatic semis slot.

Ang pagkatalo ng Rea­l­­­tors ay nangangahulugan ng paglaho ng kanilang tsansa sa outright semis.

Delikado rin ang sitwasyon ng Tigers dahil nasa ikasiyam na puwesto sila at halos di nalalayo ang kulelat na Barako Bull na may 2-13 record sa no. 10 spot na siyang mauunang masisibak sa kontensiyon. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BARAKO BULL

BURGER KING

COCA-COLA

LUCIA REALTY

MAE BALBUENA

PHILIPPINE CUP

RAIN OR SHINE

SAN MIGUEL

SEMIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with