^

PSN Palaro

So sasali sa 72nd International chessfest

-

MANILA, Philippines - Bitbit ang personal career-high ELO rating na 2,656, nagpahayag ang Group C champion na si GM Wesley So ng Philippines ng kanyang kumpiyansa sa nalalapit na 72nd Corus international chess championship (dating Hoogovens) sa Jan. 15-31 sa De Moriaan Community Centre sa Wijk aan Zee, Netherlands.

"I'm ready. It's a big challenge for me, but I will try my best," wika ni So, na aalis patungong Wijk aan Zee sa Miyerkules, Jan. 13

Ang 16 anyos na Filipino champion ay sasamahan ng kanyang long-time personal manager Reginald Tee, na pupunan ang puwesto ng kanyang father-coach na si William So.

Si So, na ang ELO rating na 2,656 ay naglagay sa kanya sa No. 76 sa buong mundo sa Jan. 1 FIDE quarterly ratings, ay lalahok sa mas malakas na category-16 Group B na ang average ELO rating ay 2,627.

"I know most of the players in Group B. ,They are all good and talented," wika ni So, na nanguna sa Group C noong nakaraang taon na may kabuuang 9.5 puntos sa 13-round mula sa pitong panalo, limang draws at isang talo.

"But I have prepared hard for this tournament since my arrival from the World Cup in Khanty-Mansiysk, Russia last month," dagdag pa ni So.

Ngayong taon, si So ay pang-anim sa 14-player field kung saan kasama niya sina GMs Arkadij Naiditsch ngGermany, Liviu-Dieter Nisipeanu ng Romania at Pentala Harikrishna ng India bilang pangunahing partisipante.

Ang iba pang Group B participants ay sina GMs Emil Sutovsky ng Israel, (4th seed ELO 2,666); Ni Hua ng China, (5th, ELO 26656); Tomi Nyback ng Finland, (7th, ELO 2628; Varuzhan Akobian ng United States, (8th, ELO 2624); Parimarjan Negi ng India, (9th, ELO 2620; Erwin l' Ami ng Netherlands, 10th, (ELO 2606); David Howell ng England, (11th, ELO 2597); Arish Giri ng Netherlands, (12th,ELO 2585); Dimitri Reindermann ng Netherlands, (13th, ELO 2575); at ang natatanging babaeng partisipante na si WGM Anna Muzychuk of Slovakia, (14th, ELO 2532).

vuukle comment

ANNA MUZYCHUK

ARISH GIRI

ARKADIJ NAIDITSCH

BUT I

COMMUNITY CENTRE

ELO

GROUP B

GROUP C

JAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with