MANILA, Philippines - Malapit nang makuha ng mga Southeast Asian Games medalist ang kanilang insentibo sa pagwawagi ng medalya sa nakaraang biennial games na ginanap sa Laos.
Ang pamimigay ng insentibo na umaabot sa P11.2M ay magaganap sa Enero 13 sa Heroes’ Hall sa Malakanyang.
Sa ilalim ng Republic Act 9064, bawat gold sa SEA Games ay nagkakahalaga ng P100,000, silver P50,000 at bronze P10,000. Ngunit para sa 38 gold medalists mas higit pa ang kanilang matatanggap mula sa Philippine Sports Commission at mga pribadong sektor.
Noong Christmas party noong Disyembre 22 ibinigay na niya ang P100,000 at gayundin ang Malakanyang na magbibigay ng P100,000 mula sa pribadong sektor.
Sinabi ngPSC chairman na ang extrang pondo ay mula sa suporta ng Tagaytay Highlands, Pacific Online, Discovery Suites at Hapee Toothpaste.
“It’s ready,” patungkol ni Angping sa total cash incentives.
Ang pinakamalaking makukuha ay sina swimmer Miguel Molina at cue artist Rubilen Amit na nagwagi ng tigalawang gold na nagkakahalaga ng P600,000 pati na rin ang limang boxing gold medalist na may bonus na P300,000 bawat isa mula sa kanilang chief patron, Smart at PLDT chairman Manny V. Pangilinan.