^

PSN Palaro

Realtors lumakas ang tsansa sa outright quarterfinals

-

MANILA, Philippines - Nakakuha ng lakas ang Sta. Lucia mula kay Kelly Williams tungo sa 95-91 panalo kontra sa Rain Or Shine sa unang gameday ng taon sa pagbabalik aksiyon ng KFC PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Tumapos si Williams ng 25-puntos, 15 nito sa ikaapat na quarter upang pamunuan ang Realtors sa pagsulong sa 8-6 record at lumakas ang tsansa sa outright quarterfinal slot na ipagkakaloob sa no. 3,4 at 5 team pagkatapos ng eliminations.

Nagtala din si Williams, nawala noong nakaraang taon pagkatapos ng All Star week nang madiagnose ito ng sakit sa dugo, ng 19-rebounds bukod pa sa tatlong assists at tigalawang steal at block.

Kailangan ipanalo ng Sta. Lucia ang limang natitirang laro upang makaiwas sa wild card phase kung saan paglalabanan ng no. 6, 7, 8 at 9 teams ang huling quarterfinal slot.

Sa unang laro, binigyan naman ng leksiyon ng Purefoods ang Smart Gilas matapos ang 99-81 panalo sa kanilang no-bearing game.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban ang defending champion Talk N Text at ang Barangay Ginebra. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ALL STAR

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

HABANG

KELLY WILLIAMS

MAE BALBUENA

PHILIPPINE CUP

RAIN OR SHINE

SMART GILAS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with