^

PSN Palaro

Hawks nalitson sa Heat

-

MIAMI--Naglista si Dwyane Wade ng 28 puntos at walong rebounds at umiskor naman si Michael Beasley ng 20 mula sa kanyang 22 puntos sa first half kung saan kinuha ng Miami Heat ang tempo sa opening minutes tungo sa paggapi sa Atlanta Hawks, 92-75 nitong Lunes.

Tumapos si Udonis Haslem ng 12 puntos habang nagdagdag naman si Quentin Richardson ng 10 rebounds para sa Miami, na tinapos ang tatlong sunod na kabiguan.

Pinigilan ng Heat ang Atlanta na galing sa average na 104.9 points tungo sa season low, bukod pa rito ang pag-angat nila sa rebounding, 52-30.

Kumana si Jamal Crawford ng 23 puntos para sa Hawks, na natalo ng apat na dikit sa unang pagkaka-taon mula noong January 7-13, 2009 season.

Sa Chicago, umasinta si Russell Westbrook ng 29 puntos at gumawa naman si Kevin Durant ng 25 puntos nang dominahin ng Oklahoma City ang third period at itakas ang 98-85 tagumpay laban sa Chicago Bulls.

Sina Westbrook at Durant ay nagtala rin ng tig-walong puntos sa ibi-nabang 27-6 run sa third period nang ang Thunder ay gumawa ng 65 percent upang agawin ang laro.

Ito ang ikaanim na panalo ng Oklahoma City sa kanilang pitong laro.

Nagposte si Derrick Rose ng 19 puntos at nagtala naman si Joakim Noah ng 14 puntos at 14 rebounds para sa Bulls, na nakatikim ng pag-booed ng kani-kanilang mga fans ng sila ay umasinta lamang ng 22 percent sa krusyal na third period.

Sa Salt Lake City, ina-gaw ni Chris Paul ang bola at dinala ito para sa kanyang layup may 27 segundo na lang ang nalalabi upang tulungan ang New Orleans sa kanilang unang panalo laban sa Utah Jazz, 91-87, sa nakalipas na halos apat na taon.

Kumana si Paul ng 10 mula sa kanyang 12 puntos sa second half at tumapos naman si Devin Brown ng career-high 30 puntos kung saan nagawang tabunan ng Hornets ang kanilang 19 ulit na turnover at tapusin ang kanilang anim na dikit na kabiguan sa mga kamay ng Utah.

Naglista naman si Deron Williams ng 17 puntos at 11 assists na nagbigay sa kanya ng 3, 003 assists para sa kanyang career.

vuukle comment

ATLANTA HAWKS

CHICAGO BULLS

CHRIS PAUL

DERON WILLIAMS

DERRICK ROSE

DEVIN BROWN

DWYANE WADE

OKLAHOMA CITY

PUNTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with