^

PSN Palaro

Bongga ang pasok ng 2010

SPORTS - Dina Marie Villena -

Hindi talaga maiiwasan na kahit pagpasok pa lang ng taon ay may trade na agad na naiselyo.

Habang tahimik ang sports page sa mga nagdaang araw, heto Lunes na Lunes ay sumambulat ang trade sa pagitan ng Burger King at Coca-Cola kung saan involved si Gary David ang isa sa top player ng Burger King.

Ipinagpalit si David at Chico Lanete kina Alex Cabagnot at Wesley Gonzales.

May darating pa bang trade?

* * *

New Year na at positive akong maganda ang lahat ng mangyayari for me this 2010.

No more hearthaches, no more pains, no more stressful life and no more worries.

All I want is to be happy and contented this 2010 at looking forward for a better, bigger and healthy year.

Mga bago at tunay na kaibigan. Mga kaibigang totoo at tunay na nagmamalasakit.

Hindi ko naman inaalis sa listahan ko ang mga ‘friends’ kong iba. Dahil bahagi sila ng buhay ko lahat ng trials na pinagdaanan ko.

I’m happy knowing them and being part of them kahit na alam kong hindi naman tunay na kaibigan ang pagtingin nila sa akin.

Tapos na yun.

Kung sabagay hindi lang naman sa mga friends nangyayari kundi maging sa kamag-anak din.

Talagang ganun ang buhay. You may have some pero you may find others not.

Basta for me, 2010 is another good year for me and my family.

* * *

Masayang ginanap ang PBA Press Corps Christmas and Yearend Party noong Lunes sa Badminton Hall ng Rizal Memorial Sports Complex.

Dito masasabing hindi lamang sa pagsusulat ng mga sports event magagaling ang mga writers kundi siyempre pati sa musika.

Sa pamumuno ng live band na pinamunuan ni Tribune sports ed Aldrin Cardona (lead guitar) at ng kanyang grupo-- Trina Ibarle-Orquiza ng Malaya (bass), Francis Ochoa ng Inquirer (guitar), Arman Carandang ng Tribune (keyboard), Tito Talao ng Tempo (guitar), at Aldrin Quinto ng Business Mirror (drums), masaya at naging lively ang naturang okasyon kung saan may mga pa-raffle ding inihanda ang grupo mula sa iba’t ibang sponsor.

Kaya nga nais pasalamatan ng PBAPC sa lahat ng mga dumalo at nagbigay ng suporta tulad nina PBA commissioner Sonny Barrios, Philippine Sports Commission chairman Harry Angping, PBA media bureau’s Willy Marcial, Dave Coros at Mich Flores, San Miguel Corporation’s Robert Non, PBA chairman Lito Alvarez ng Burger King, Buddy Encarnado ng Sta. Lucia Realty, Terry Que at Raymund Yu ng Rain Or Shine, Alaska’s Joaqui Trillo, Purefoods’ Alvin Patrimonio, Coca-Cola governor JB Baylon at assistant team manager Gerard Francisco, Talk ‘N Text governor Ricky Vargas at assistant team manager Virgil Villavicencio, Smart Sports’ Patrick Gregorio, Amateur Boxing Association of the Philippines executive director Ed Picson, player agents Charlie Dy at Danny Espiritu, star players James Yap, Kerby Raymundo, Gary David, Jimmy Alapag, Danny Seigle, Eric Menk, Sunday Salvacion, Paolo Mendoza, Nelbert Omolon, Ryan Arana, Jay-R Reyes, at Mark Clemence Telan, coaches Turo Valenzona, Gee Abanilla, Adonis Tierra, Solar Sports, sports columnist Beth Celis, at sports editors Lito Tacujan ng Star, Jimmy Cantor of Malaya, Jun Lomibao ng Business Mirror, Dina Villena ng Pilipino Star Ngayon, Beth Repizo ng PM, Eddie Alinea ng Gazette, at Teddyvic Melendres ng Inquirer.

vuukle comment

ADONIS TIERRA

ALDRIN CARDONA

ALDRIN QUINTO

ALEX CABAGNOT

BURGER KING

BUSINESS MIRROR

GARY DAVID

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with