Mas paiigtingin ang pagsasanay sa 2010
MANILA, Philippines - Sa pagpasok ng panibagong taon, nilalayon ng Amateur Boxing Association of the Philippines na lalong paigtingin ang kanilang mga training upang makagawa ng panibagong bayani sa lara-ngan ng boksing na maari nilang ilaban sa mga kumpetisyong pang internasyonal.
Inihinayag kahapon ni ABAP secretary-general Patrick Gregorio na ang kanilang taunang National Championships ay hindi na tatanggap ng mga miyembro ng national team o training pool upang mabigyan ng pagkakataon ang mga batang boksingero na ipakita ang kanilang kakayahan.
“This will no longer be called the National Open. It’s going to be just the National Championships, which will be open exclusively for boxers aged 18 years and under,” ani Gregorio.
“In doing this, we’re hoping we could discover talents, maybe another Manny Pacquiao or an Onyok (Mansueto Velasco),” dagdag pa nito.
Ang National Championships na aaksiyon sa susunod na buwan ay gaganapin sa Puerto Princesa, Palawan kung saan magsisilbi itong culminating event ng regional tournaments ng ABAP na umeksena na sa Quezon, Ormoc, Panabo at Mandaluyong.
Sa pamamagitan ng nasabing pagsasanay, sasali ang mga boksingerong mayroong abilidad na makipagtipan at sumabak upang ibandera ang Pilipinas para sa 2010 Guangzhou Asian Games.
Pinagmalaki rin ni ABAP executive director Ed Picson ang pagkapanalo ng produkto ng torneo, na si Charlie Suarez ng gintong medalya sa 2009 Laos Southeast Asian Games.
“Charlie (Suarez) has been in the team for two to three years now and because of his hard work and determination, he finally struck gold.”
Sinabi rin ni Gregorio na nataon rin ang pagkakabuo ng National Championships upang humubog ng grupong isasabak sa torneo ng Azerbaijan sa March.
Bukod pa dito, tinitingnan rin ang pagpapayaman ng talento ng mga babaeng boksingero na maaring sumunod sa yapak ni Annie Albania na nakapag-uwi rin ng ginto sa Laos para sa Asian Indoor Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending