^

PSN Palaro

MTBA nasungkit ang gold sa boys' doubles

-

MANILA, Philippines - Nasungkit nina National youth pool members Louie Chuaquico at Kevin Custodio, kinatawan ng Manila Tenpin Bowling Association ang gintong medalya sa Boys’ doubles sa eksplosibong larong ipinamalas sa 17th PBC National Youth Tenpin Bowling Championships na ginaganap sa bagong Bowling Inn sa Taft Avenue, Manila.

Si Chuaquico, member din ng men’s national pool, ay nagbukas ng may 278 game at sinunog ang lane na may 1,470 total series ( na may 245 average), na isang bagong national youth record para sa six-game doubles event total. Sinuportahan naman siya ni Custodio ng may 1,364 (227 ave.) upang ibigay sa tambalan ang 2,834 kabuuan at gold medal.

Nagpagulong naman ang 13 year na si Enzo Hernandez, na kamakailan lamang ay tinanghal na PBC Youth Annual Juniors champion, ng 12 sunod na strikes sa ikalawang laro upang angkinin ang unang perfect 300 game tungo sa 1,446 total.

Nagdagdag naman ang kakamping si Marvin Reyes ng 1,294 para sa 2,740 ng tambalan para sa silver medal ng Team Prima 1. Ang kanilang pinagsamang kabuuan na 552 sa ikalawang game ang umani ng bagong national youth record para sa isang game total.

Sa kababaihan, nagdagdag ng gold sina national youth team standouts Alexis Sy (1352) at Madeline Llamas (1248), para sa TBAM 1. Patuloy din ang pag-ani ni Singles Gold Medallist Lara Posadas (1410) ng medalya sa pakikiagtambalan kay Niqui Bernabe (1105) para sa silver ng PBAP at Prima 1 ang bronze.

Ang kompetisyon ay patungo na sa homestretch sa paggulong ng Team-of-Four event. Ang top sixteen bowlers sa bawat division ay uusad sa Masters Finals na dedetermina ng 2009 National Youth Masters Champions. 

ALEXIS SY

BOWLING INN

ENZO HERNANDEZ

KEVIN CUSTODIO

LOUIE CHUAQUICO

MADELINE LLAMAS

MANILA TENPIN BOWLING ASSOCIATION

MARVIN REYES

MASTERS FINALS

NATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with