^

PSN Palaro

Posadas, Taylo wagi ng Singles Gold

-

MANILA, Philippines - Kapwa naungusan nina Lara Posadas at Renz Taylo ang kani-kanilang kalaban sa opening ng Singles event upang makopo ang gold medal ng 17th Philippine Bowling Congress (PBC) National Youth Tenpin Bowling Championships sa Bowling Inn sa Taft Avenue.

Si Posadas, mainstay ng national youth pool at kinatawan ng PBAP ay nagpagulong ng kabuuang 1,193 sa anim na laro upang kunin ang unang puwesto ng Girls’ division.

Sinungkit naman ni Alexis Sy ng TBAM ang silver sa 1,119 at bronze kay Liza Vicente ng Team Prima sa iskor na 1,112.

Ilang beses na nagpalitan ng trangko sa Boys’ division bago tuluyang naangkin ni Taylo ang gold medal.

Nagkulapso ang kalaban ni Taylo sa final game upang iposte ang komportableng 1,323 score sa average na 220.

Naungusan ni Taylo ang mga national youth pool members na sina Ederick Florencio at newly-crowned PBC Youth Annual champion Kenneth Chua, na kapwa kumakatawan sa TBAM, para sa kanyang unang gold medal sa torneo.

Nagsilver naman si Florencio (1,207) at bronze para kay Chua (1,206).

Nangunguna naman ang TBAM para sa karera sa overall championship title na may 9 puntos kasunod ang PBAP na may six points. Igagawad ang Paeng Nepomuceno Youth Perpetual Cup, sa magiging overall team champion.

Sasabak naman sa mas mataas na antas ang kompetisyon sa Doubles Event sa apat na araw na torneo na inorganisa ng Philippine Bowling Congress Youth Committee.

ALEXIS SY

BOWLING INN

DOUBLES EVENT

EDERICK FLORENCIO

KENNETH CHUA

LARA POSADAS

LIZA VICENTE

NATIONAL YOUTH TENPIN BOWLING CHAMPIONSHIPS

PAENG NEPOMUCENO YOUTH PERPETUAL CUP

TAYLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with