^

PSN Palaro

Pacquiao, Athlete Of The Year Sa USSA

- Mae Balbuena -

MANILA, Philippines - Si Manny Pacquiao ang napiling 2009 United States Sports Academy Male Athlete of the Year matapos ang worldwide online balloting ayon sa usatoday.com.

Si Russian pole vaulter Yelena Isinbaeva naman ang napiling Female Athletes of the Year mula sa 1.9 milyong pumasok na boto.

Si Isinbaeva ay nagtala ng bagong world records sa outdoor na 16 feet at 6 inches at sa indoor naman 16 feet, 4 inches, para maging unang babaeng nakalundag ng 16 feet indoors.

Si Pacquiao naman ang unang boxer na na-nalo ng titulo sa pitong iba’t ibang weight classes matapos makopo ang light welterweight title laban kay Ricky Hatton noong Mayo, at ang welterweight title kay Miguel Cotto noong November para sa career record na 50-3-2 na may 38 knockouts.

Tinalo nina Pacquiao at Isinbaeva ang 11 pang nominadong male athletes para sa Athlete of the Year at 11 female athlete para sa Athlete of the Year mula sa iba’t ibang dako ng mundo.

Pumangalawa sa men’s balloting ay ang Swiss tennis star Roger Federer, na nanalo ng kanyang record 15th Grand Slam title sa Wimbledon, wala pang isang buwan nang kanyang kumpletuhin ang career Grand Slam sa French Open.

Nasa third place si Jamaican Olympic champion sprinter Usain Bolt na hini-gitan ang kanyang world track and field record times sa 100 at 200. Nanalo si Bolt sa 100 sa oras na 9.58 seconds at sa 200 sa 19.19, na mas mabilis ng .11 seconds sa kanyang mga dating records.

Pumangalawa sa women's balloting si Mexican golfer Lorena Ochoa, na nanalo ng kanyang fourth straight LPGA Player of the Year crown at fourth straight Vare Trophy para sa lowest scoring average.

Si Kenyan distance runner Linet Masai ang third matapos manalo sa 10,000 meters sa world track and field championships at pa-ngunahan ang kanyang team sa first place sa World Cross Country Championships.

Ang Athlete of the Year ballot ang pagtatapos ng year-long Athlete of the Month program ng USSA, na kumikilala sa accomplishments ng mga men at women sa sports sa buong mundo.

Ang USSA ay isang independent, non-profit, accredited, special mission sports university na itinayo para sa programs sa instruction, research at service hindi lamang sa Amerika kundi pati na rin sa buong mundo.

Pangunahing kandidato rin para sa Boxer of the Year si Pacquiao sa American Boxing Writers Association.

Kamakailan lamang, kinilala si Pacquiao bilang World's Greatest Ever Featherweight at puma-ngalawa ito kay Sugar Ray Robinson para sa Worlds Greatest Boxer ever sa botohang isinagawa ng HBO sa lahat ng boxing fans sa buong mundo.

Kasama din si Pacquiao sa Top 25 People Who Mattered in 2009 ng Time Magazine.

AMERICAN BOXING WRITERS ASSOCIATION

ANG ATHLETE OF THE YEAR

ATHLETE OF THE MONTH

ATHLETE OF THE YEAR

BOXER OF THE YEAR

GRAND SLAM

PACQUIAO

PARA

YEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with