^

PSN Palaro

Montiel pinakamabigat na laban ni Morales

-

MANILA, Philippines - Ito na ang magiging pina-kamabigat na laban ni Ciso "Kid Terrible" Morales sa kanyang batang professional boxing career.

Nakatakdang hamunin ng 21-anyos na si Morales ang 30-anyos na si Mexican Fernando "Cochulito" Montiel para sa suot nitong World Boxing Organization (WBO) bantamweight sa "Pinoy Power 3/Latin Fury 13" sa Pebrero 13, 2010 sa Las Vegas Hilton, Las Vegas, Nevada.

Si Morales ang ikalawang Filipino challenger na makakasagupa ni Montiel matapos si Z "The Dream" Gorres noong Pebrero 24, 2007 sa Cebu City.

Tinalo ni Montiel si Gorres via split decision upang mapanatili ang kanyang paghahari sa WBO super flyweight division bago makuha ang WBO bantamweight title na binakante ni Gerry "Fearless" Peñalosa.

Tangan ni Morales ng Bohol ang malinis na 14-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 8 KOs kumpara sa matayog na 39-2-2 (29 KOs) slate ng tubong Los Mochis, Mexico na si Montiel.

Sapul nang umakyat sa professional ranking noong 2007, inangkin ni Morales ang WBO Oriental junior featherweight title sa kanyang pang 10 na laban kontra kay Marangin Marbun via unanimous decision noong 2008.

Tatlong beses naidepensa ni Morales ang nasabing korona upang maitaas ang kanyang WBO ranking sa No. 8.

Hangad ni Morales na ma-ging pang limang Filipino world champion matapos sina Manny Pacquiao, Nonito "The Filipino Flash" Donaire, Brian "The Hawaiian Punch" Viloria at Rodel Mayol.

Tinalo naman ni Montiel si Diego Silva via third-round KO noong Abril upang angkinin ang binakante ni Peñalosa na WBO bantamweight. (Russell Cadayona)

vuukle comment

CEBU CITY

DIEGO SILVA

FILIPINO FLASH

GORRES

HAWAIIAN PUNCH

KID TERRIBLE

LAS VEGAS

LAS VEGAS HILTON

MONTIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with