^

PSN Palaro

Suns hiniya ng Cavs sa sariling balwarte

-

PHOENIX -- Wala pang nakakatalo sa Suns sa balwarte nito sa Phoenix, maliban sa Cavaliers.

Pinangunahan ni LeBron James ang 109-91 panalo ng Cleveland sa Phoenix sa ikalawang sunod na pagkakataon ng kanilang pagtatagpo kahapon dito.

Hindi pa natatalo ang Suns sa kanilang 19 sunod na paglalaro sa Phoenix sapul nang biguin sila ng Cavaliers noong Marso 12. At sa kanilang 10-0, sila lamang ang tropang walang home loss ngayong NBA season bago natalo sa Cleveland.

Nagtuwang sina James at Mo Williams sa paghuhulog ng isang 15-0 bomba ng Cavaliers sa fourth quarter kontra Suns.

Umiskor si James ng 29 puntos, habang may 24 naman si Williams para sa Cleveland na buma-ngon mula sa kabiguan sa Dallas.

“Just a veteran ballclub,” wika ni James. “We know how important back-to-back games are and bounce-back games. We don’t let one loss linger around our team. We never have.”

Kumolekta si Steve Nash ng 18 puntos at 10 assists para sa Suns.

Sa Chicago, bumangon si Tyreke Evans at ang Sacramento Kings mula sa 35 puntos na pagkakabaon sa second half upang maungusan ang Chicago Bulls, 102-98.

Ayon sa Elias Sports Bureau, ito ang pinaka-malaking comeback sa NBA matapos ng Utah na umahon mula sa 36-point deficit upang talunin ang Denver Nuggets noong Nov. 27, 1996.

Umabante ang Bulls sa 79-44 may 8:50 pa ang nalalabi sa laro sa third period bago sila kumulapso.

Tumapos si Evans ng 23 puntos para sa Kings na itinala ang kanilang unang two-game road winning streak mula noong 2007-08 season.

Sa Indianapolis, umis-kor si Andrew Bogut ng career-high 31 puntos at humatak ng 18 rebounds upang pamunuan ang Milwaukee laban sa Indiana Pacers, 84-81.

Sa iba pang laro, iginu-po ng Orlando Magic ang Utah Jazz at pinayukod ng San Antonio Spurs ang Los Angeles Clippers, 103-87.

ANDREW BOGUT

CHICAGO BULLS

DENVER NUGGETS

ELIAS SPORTS BUREAU

LOS ANGELES CLIPPERS

MO WILLIAMS

ORLANDO MAGIC

SA CHICAGO

SA INDIANAPOLIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with