^

PSN Palaro

Venue na lang ang kulang sa Pacquiao-Mayweather fight

-

MANILA, Philippines - Kung mapagkakasun­duan na ang venue, maipo­por­malisa na ang Manny Pac­quiao-Floyd Maywea­ther fight.

Magpapatuloy ang negosasyon para sa inaabangang megafight na napag­ka­sunduan sa Marso 13­ sa linggong darating.

Isinantabi muna ni Bob Arum ang Pacquiao-Mayweather negotiation upang pag­tuunan ng pansin ang laban ng isa pa nitong alagang si Kelly Pavlik laban kay Miguel Espino sa kanilang World Middleweight Championship nitong Sabado sa Beeghly Center sa Youngstown State University na isang pay-per-view ng Top Rank.

Naghihintay na lamang ang mga negotiators na si­na Richard Schaefer, chief executive of Golden Boy Pro­mo­tions na kumakatawan kay Mayweather at president ng Top Rank Inc. na si Todd duBoef, itinalaga ni Arum para makipagnego­sasyon para kay Pacquiao, ng offer na hihigit sa $25 milyong guarantee ni Cowboy owner Jerry Jones para ganapin ang laban sa 100,000-seater Dallas Superdome.

Bagamat ang Cowboy Stadium na may retractable roof at giant screen ang top condender na maging host ng laban, hindi pa sila na­kakasiguro dahil gumagawa rin ng paraan ang Las Vegas para mai-host ang labang ito.

Kapag nakapili na ng ve­nue ang mga negotiators, pirma na lamang ng dalawang boxers ang kulang at tuluy na tuloy na ang press conference sa January 6 upang pormal na ianunsiyo ang laban.

Balitang may inihain na ring offer ang MGM Grand Mirage, nagmamay-ari ng 19 casino sa Las Vegas ka­­­bilang ang MGM Grand kung saan idinaos ang mga malalaking laban nina Pacquiao at Mayweather. (MB)

BEEGHLY CENTER

BOB ARUM

COWBOY STADIUM

DALLAS SUPERDOME

FLOYD MAYWEA

GOLDEN BOY PRO

GRAND MIRAGE

JERRY JONES

LAS VEGAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with