^

PSN Palaro

Eddiva, Mariano nag-ambag ng gold sa wushu

- Dina Marie Villena -

VIENTIANE, Laos--Impresibong pinadapa ni Mark Eddiva si Tin Lin Aung ng Myarmar, 2-0 para sa gintong medalya sa 65 kgs. event kasunod ng naunang ginto ni Maria­ne Mariano na opisyal ng inilista sa medal tally ng wu­shu competition sa 25th Southeast Asian Games dito.

Kagabi pa lamang ay alam na ang gold ni Mariano ngunit hindi pa naging opis­yal hanggang kahapon ng umaga kung saan hinintay munang matapos ang lahat ng finals para maging pormal ang lahat.

Bukod sa dalawang ginto, ang tanging naimbag ng wushu artists, hindi rin ma­tatawaran ang dalawang silver mula kina Mary Jane Estimar at Benjie Rivero, sa 52 at 56 kgs. Class.

Hindi naging masuwerte ang wushu artists kung hindi inabot ng kamalasan ang ilang players.

Bronze lamang ang kinana ni Rhea May Rifani na nadulas at na-twist ang sa­kong na sinamantala ng kanyang kalabang Thai na si Chutdai Chaimala noong Martes.

Ang iba pang meda­list sa wushu ay sina Jessie Ali­gaga (bronze, under 48kg), Denver Labrador (bron­ze, under 60kg) at  Da­niel Parantac (bronze, taijiquans/taijian).

“Happy ako sa performance ng mga bata,” ani Julian  Camacho ng wushu. “Sa sanshou lang, pito ang dinala ko, pitong medalya din ang nakuha, kasama da­lawang golds.

BENJIE RIVERO

CHUTDAI CHAIMALA

DENVER LABRADOR

JESSIE ALI

MARIANO

MARK EDDIVA

MARY JANE ESTIMAR

RHEA MAY RIFANI

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with