^

PSN Palaro

Tolentino may natutunang leksyon

-

MANILA, Philippines - Bunga ng hindi magandang kinahinatnan ng gru­po ng siklistang sumuong sa Laos, pi­pilitin ng Philippine Cycling Federation pre­sident na si Abraham To­lentino na hindi na ito ma­uulit sa susunod na kompetisyon sa Guangzhou ang nangyari sa Laos nga­yong taon.

Nalugmok sa masaklap na karanasan, mara­ming leksyon ang kanilang na­tutu­nan sa naging kaso ni Ma­rites Bitbit na hindi pi­nayagang lumahok sa 25th SEA Games sa Laos.

Ang SEA Games two-ti­me gold medalist na si Bit­bit ay hindi na hinayaang magkaroon ng pagkaka­taong kumuha ng ginto sa road race o sa cross-country nang mahuli itong nakikipag­talo sa pamamahala ng Philcycling.

 “She must bare the truth. She must have more to say but is quite afraid of the consequences. There we­re lessons learned here and I hope the Philippine Olympic Committee will stop fielding athletes not accredited by their IFs (international federations),” ani Tolentino.

Base sa napagkasun­duan, ang grupong magkakaroon ng UCI, ang grupong sinusuportahan ni Tolentino ang siyang tanging may ka­rapatang lumahok sa laban sa Laos.

Bukod sa cycling, mayroon ding ibang mga national sport na mayroong kinakaharap na problema. Dahil di­to, isang malaking isyu ang pagkakatanggal kay Bitbit na malakas sana ang tsansang mag-uwi ng ginto sa naturang larangan kung saan napako ang Pilipinas sa ikaanim na pwesto.

Bilang resulta nito, walang maiuuwing premyo si Bitbit. Bagamat gumawa ng apela sa huling sandali. (Sarie Nerine Francisco)

ABRAHAM TO

BAGAMAT

BILANG

BITBIT

BUKOD

PHILIPPINE CYCLING FEDERATION

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SARIE NERINE FRANCISCO

SHY

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with