2 pang Pinoy pugs umakyat sa finals
VIENTIANE, Laos—Buong giting at determinasyong umakyat ng ring ang dalawang Pinoy at naidagdag sa listahan ng finalist sa boxing event ng 25th edisyon ng Southeast Asian Games sa Olympa-sia Gymnasium sa loob ng National University dito.
Taglay ang pagnanais na masungkit ang huling ginto sa 45 kgs class, binugbog ni Bill Vicera ang kalabang Cambodian na si Ven Diaman, 13-2 habang hindi rin nagpahuli si Charly Suarez na namayani kay Thai Wuttichai Masuk,13-5, para makaakyat sa gold medal bout na gaganapin sa Disyembre 17.
Makakasama nina Vicera at Suarez si Harry Tanamor sa pag-asang makuha ang gold sa kani-kanilang event.
Hindi naman naging masuwerte sina Rey Saludar na yumuko kay Xayyaphone ng Laos sa 51 kgs, 9-4 at Joegin Ladon na natalo naman kay Laotian Vilasik, 8-2.
Samantala, tatlong boksingerong Pinay ang nakatakdang umakyat sa ring ngayon upang abutin ang gintong medalya sa finals ng women’s boxing event.
Bitbit ang determinasyon, unang sasalang si Josie Gabuco na maagang tumapak sa finals, kontra kay Cambodian Ven Diaman sa 45kgs division bandang alas-2 ng hapon.
Kaagad naman itong susundan ng sagupaan ng magandang si Alice Kate Aparri at ang pambato ng Laos na si Milvady sa 48 kgs. division.
Sasabak naman ang ikatlong Pinay na si Annie Albania laban sa Indone-sian na si Indri Sambaiman sa 51 kgs. class.
Tanging si Mitchel Martinez lamang ang hindi nakausad sa finals sa apat na babaeng ipinadala dito at nakuntento na lamang sa bronze. (DMVillena)
- Latest
- Trending