RP humahabol, may 5 golds uli
VIENTIANE-Laos— Tatlong gold ang naisubi ng bansa sa araw na ito pero pinakamaningning ang buhat sa marathon event ng track and field competition ng 25th edisyon ng Southeast Asian Games dito.
Halos tulog pa ang lahat sa paligid ng SEA Games Village nang pukawin nina Eduardo Buenavista at Jho-An Banayag ang kapiligan sa tinamong tagumpay na nagkakahalaga ng dalawang importanteng ginto sa kampanya ng Team Philippines sa biennial event na ito.
Tumakbo sa bilis na 2:21:10.14 si Buenavista para sa ginintuang performance habang nalusutan naman ni Banayag ang mahigpit na kalabang si Sunisa Sailomyen sa huling 40 meters ng karera para sa oras na 2:46:34.00 para sa ikalawang gold ng athletics sa araw na iyon. Ikatlo naman si Ni Lar San ng Myanmar para sa bronze.
Hindi rin papahuli ang Pinay archer na si Jennifer Chan na tumudla ng 115-122 panalo kontra kay Aung Ngeain ng Myanmar at ginto sa 70m compound bow (individual).
Malamang ito na rin ang huling pagpana ng 44 anyos na si Chan
“Na-achieve ko na ang dream ko sa SEA Games, kaya ito na ang last ko,” pahayag ni Chan, nakababatang kapatid ni dating SEAG archery queen Joan Chan Tabanag.
Ang ika-apat na gold ay mula kay judoka Nancy Quillote sa combat event upang matabunan ang bronze medal na tinapos sa Jyu No Kata event ng judo kasama si Noemi Candari.
Habang hinabol naman ni Pinoy wrestler Margarito Angana ang ikalimang gold.
Tumalon naman ng silver si Joebert Delicano sa kanyang inilistang 7.74M upang maungusan
Hindi naman naging masuwerte ang araw para sa Pinoy archer na si Earl Benjamin Yap na bronze medal ang natarget sa men’s individual ng nabanggit na event na pinagharian naman ni Igusti Puruhito 111-113 ang long jump king na si Henry Dagmil na bronze lamang ang kinamada bunga ng iniindang injury.
Ang isa pang silver ay nagmula kay muay artist Romnick Pabalate sa flyweight division.
Bronze din ang nasuntok ni Rey Saludar na yumuko kay Xayyaphone ng host Laos, 9-4 sa 51 kgs. Bronze lang din ang nakuha ni Richard Gonzales sa men’s singles ng table tennis.
Ang iba pang bronze medallists kahapon ay sina Delicano sa triple jump, wushu artist Rhea May Rifani, Jessie Aligaga, at Denver Labador sa sanshou event.
Sa kabuuan ang Team Pilipinas ay sisinghap--singhap pa rin sa ikaanim na posisyon sa medal tally sa likuran nang namumunong Thailand na may 45-54-60 gold-silver bronze, Vietnam 38-36-41, Singapore, 30-22-31, Malaysia 25-29-44, Indonesia, 23-25-42.
- Latest
- Trending