VIENTIANE--Malinis at maganda naman pala ang lugar dito sa Vientiane, Laos.
In fairness kahit mainit sa katanghaliang tapat ay hindi ka naman pagpapawisan basta-basta dahil malamig ang hangin. Feeling ko pag gabi nasa Baguio City ako at nasa Tagaytay naman sa umaga.
At pagdating sa mga Laotian, simple lang ang kanilang mga beauty. Maamo ang mukha na parang mga nene. Mukhang mga inosente. Typical na Asian ang mga beauty at kung meron mang mestisa, malamang nahaluan na ito ng mga Pranses na siyang sumakop sa bansang ito.
Bagamat hindi naman lahat ng Laotian ay marunong mag-ingles, marami na rin ang nakakaintindi at hindi na rin naman masyadong mahirap makipag-communicate sa kanila.
At nakakagulat na bagamat maliit na bansa lamang ito, ang gagara ng kanilang mga bagong stadium. Pero karamihan ay mga tulong mula sa malalaking bansa.
Ang kanilang Main Stadium sa loob ng National Sports Complex ay donation daw ng China, habang ang golf course naman ay Korea ang nagpagawa. Galing di ba?
Baka maging mas maunlad pa ito kaysa sa bansa natin. Eh kung dati nga hirap na makakuha ng golds ngayon eh marami na silang golds na naipon.
He he he! Sarap maging host!
* * *
Isa lang ang napuna namin dito. Hindi naman talaga malalayo ang venue pero mabagal ang mga sasakyan. Maximum na takbo nila ay 40.
Kaya feeling namin ang layu-layo ng mga pinupuntahan namin. Ha ha ha!
Pero sa totoo lang abangan natin ang pagboom ng Laos. At hindi malayong mangyari iyon.
* * *
Isa pang nakakatuwa sa mga Lao girls ay ang kanilang mga attire. I mean halos lahat ng Lao girls dito ay naka Lao skirts. Mabibilang sa daliri ang mag-iiba ang suot. Kahit ano pa naka rubber shoes, sandals o heels walang pakialam basta Lao skirts pa rin ang pang-ibaba nila at kahit anong katernong pang-itaas.
* * *
Masaya naman ang coverage ng mga Philippine media bagamat may banggaan ang mga sports leader ng POC at PSC.
Kasama ko sa coverage siyempre si Gerry Carpio ng Philippine Star, Roy Luarca at Recah Trinidad ng Inquirer, Rey Bancod ng Bulletin/Tempo, Gerry Ramos ng Journal Group, Arman Armero ng Standard, Noli Cortez ng Malaya, Jun Lomibao ng Business Mirror, Julius Manicad ng Tribune at mga fotogs na sina Jun Mendoza, Albert Garcia at Raffy Lerma.
Speaking of Julius, lumapad naman ang tenga ko ng sabihin niyang avid reader pala ng Pilipino Star Ngayon ang mga parents niyang sina Mr. Lito at Myrna Manicad ng Lucena City.
Subscriber daw ang parents nya ng PSNgayon.
Hello po Mr. & Mrs. Manicad.
Salamat po sa pagtangkilik ninyo. Huwag po kayong mag-alala behave naman po si Julius dito sabi niya. He he he.