^

PSN Palaro

Ateneo may pinatunayan sa collegiate leagues

-

MANILA, Philippines - Isang laban na punum-puno ng tensyon ang natunghayan para sa agawan ng titulo sa pagitan ng Ateneo at Far Eastern University kahapon nang durugin ng reigning UAAP champion ang karibal sa pamamagitan ng 74-70 panalo para sa hu­ling la­ban ng Philippine Col­legiate Champions League kahapon sa Yna­res Sports Arena, Pasig City.

Sinulit ang kanyang huling taon ng paglalaro sa liga, binuhos na lahat ni Jai “Dynamite” Reyes ang buong lakas nito upang muling ihatid ang koponan sa kam­peonato. Nagsubi ng ito ng 17 points , kinilala ng liga ang kakayahan nito nang hirangin ito bilang Most Valuable Player of the Year.

Sa tulong ng magilas na galaw ni Eric Salamat, napanatili nito ang kalamangan ng Blue Eagles subalit naputol ito nang bumirada ng tres si Paul Sanga at hatakin ang abante pabor sa FEU Tams.

Nagkaroon ng pagkakataong dominahin ang laban, masyadong nagmadali ang grupo at nanggigil kung kaya’t nagkaroon ito ng sunud-sunod na foul. (SNF)

ATENEO

BLUE EAGLES

CHAMPIONS LEAGUE

ERIC SALAMAT

FAR EASTERN UNIVERSITY

MOST VALUABLE PLAYER OF THE YEAR

PASIG CITY

PAUL SANGA

PHILIPPINE COL

SPORTS ARENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with