^

PSN Palaro

Darchinyan, Donaire rematch may posibilidad na

-

MANILA, Philippines - Posible na nga bang maitakda ang pinakahihintay na rematch nina Filipino Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. at Armenian Vic “The Ra­ging Bull” Darchinyan?

Matapos umiskor ng isang second-round KO kay Mexican challenger Tomas Rojas kahapon, tinawag ni Darchinyan ang pansin ni Donaire para sa kanilang muling paghaharap sa ibabaw ng lona.

Ayon kay Darchinyan, gusto niyang ma­kaganti kay Donaire na umagaw sa dati niyang suot na International Boxing Federation (IBF) at International Bo­xing Organization (IBO) flyweight titles via fifth-round TKO noong Hulyo 7, 2007.

At handa naman ang bagong World Boxing Association (WBA) interim super flyweight ti­tlist na si Donaire kay Darchinyan.

“I’ve been waiting for that fight. I’m here and I hope he’s got enough confidence for him to step up into the ring with me again,” wika ni Donaire kay Darchinyan.

Matagumpay na naidepensa ng 33-anyos na si Darchinyan ang kanyang hawak na WBA at World Boxing Council (WBC) super flyweight crowns mula sa panalo kay Rojas.

Kasalukuyang ta­ngan ni Donaire ang 22-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 14 KOs bago labanan si Mexican Gerson Guerrero (34-8-0, 26 KO’s) sa “Pinoy Power III” ng Top Rank Promotions sa Pebero 13, 2010 sa Las Vegas Hilton. (RCadayona)

ARMENIAN VIC

DARCHINYAN

DONAIRE

FILIPINO FLASH

FILIPINO NONITO

INTERNATIONAL BO

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

LAS VEGAS HILTON

MEXICAN GERSON GUERRERO

PINOY POWER

TOMAS ROJAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with