Coke umahon sa kamalasan

MANILA, Philippines - Nakaahon din sa wa­kas ang Coca-Cola sa kanilang miserableng kampanya mata­pos makatikim ng pa­nalo nang kanilang pa­sad­sarin ang Burger King, 106-90 sa pag-usad ng KFC PBA Philippi­ne Cup na nagpatuloy sa Araneta Coliseum ka­­gabi.

Sumandal ang Tigers kina Larry Rodriguez, Alex Cabagnot at ang nag­babalik pa lamang na si Asi Taulava upang makabangon ang kulelat na Coke mula sa wa­long na sunod na ta­lo upang iangat ang kani­lang record sa 2-10 ba­gamat nasa ilalim pa rin sila ng overall team stan­dings habang bumagsak naman ang Burger King sa 4-9 kartada.

Hindi hinayaan ng Ti­gers na magtagumpay ang dalawang malaking paghahabol ng Burger King.

Kumawala ang Coca-Cola sa second half nang kanilang iposte ang 19-puntos na kalamangan na nagsilbing pu­hunan ng Tigers sa ka­­nilang tagumpay.

Buhat sa 69-50 bentahe ng Coke matapos ang basket ni Ricky Ca­limag naidikit lamang ng Burger King sa walong pun­tos ang kanilang ag­wat, 69-77 mula sa walong sunod na puntos ni Lanete. muling luma­yo ng 18-puntos ang Ti­gers, 91-73 matapos buksan ang fourth quarter sa 9-0 salvo at sa mu­ling paghahabol ng Burger King nakalapit sila sa lamang sa 88-77 ngunit sa tulong ni Tau­lava nag­laro ng kanyang ika­lawang game ma­tapos ang matagal na panahong pagkawala, muling dumistansiya ang Tigers tungo sa ta­gumpay.

Nanguna si Rodriguez sa team sa kanyang 21-puntos ngunit si Cabagnot ang nagpa­malas ng impresibong la­ro sa kanyang 18-points, 7-rebounds at 12-assist kasunod sina Mark Macapagal na may 16-puntos at R.J. Ri­zada na na may 14.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglala­ban pa ang Purefoods at San Miguel Beer bilang tampok na laro.

Hangad ng Purefoods na makakalas sa three-way logjam kung saan kasalo nila ang Ginebra at defending champion Talk N Text sa 8-4 win loss record laban sa Beermen.

Show comments