Nagbunga ang paghihintay
VIENTIANE – Huli man daw at magaling, ginto pa rin!
Matagal na naghintay ang lahat. Gayunpaman, nasulit naman ang lahat ng paghihintay kahit inabot na ng alas-10 ng gabi (alas-11 sa Manila) bago natapos ang laban.
Tumataginting na gintong medalya ang naging kapalit ng sakripisyo ng lahat.
Hindi tinantanan, pinagtulungan nina Fil-Am Treat Conrad Huey at Cecil Mamiit ang mga Thais upang mailista ang 2-1 panalo para sa nag-iisang gold medal kahapon.
Ngunit hindi naging madali para sa mga Pinoy na maisukbit ang ginto, nang maghiganti si Danai Udomchoke kay Mamiit, 6-4, 6-2, sa second singles makaraang magwagi naman si Huey kay Kittiphong Wachiramanowong, 1-6, 6-1, 7-5 para sa 1-1 pagtatabla.
Nagsimula ng alas-2 ng hapon dito (alas-3 sa Manila), tinapos ng tambalang Mamiit at Huey ang kambal na sina Sanhai at Sonchat Ratiwatana, sa paluang umabot ng dalawang oras bago nailista ang 4-6, 6-3, 7-6 tagumpay.
Gayunpaman, nasulit ang lahat ng pahalaga ang gold na kanilang naisukbit dahil yun lang ang gold na nailista para sa bansa. (DMVIllena)
- Latest
- Trending