Sino ang tatanghaling kampeon sa PCCL?

MANILA, Philippines - Itutuloy ang laban, ma­dedetermina na ang mas mahusay na kopo­nan sa pamamagitan ng pag­haharap ng reig­ning back-to-back UAAP champion Ateneo at Far Eastern U para sa titulo ng Philippine Collegiate Champions League na ga­ganapin sa Ynares Sports Arena, Pasig Ci­ty.

Naitulak ang su­d­­den death match, humugot ng lakas ang Eagles sa makapangya­rihang atake ni Nico Sal­va upang pumalit kay reigning UAAP fi­nals MVP Rabeh Al Hus­saini nang durugin ang Tams, 90-63, noong Huwebes at buhayin ang pag-asang masilo ang kampeonato sa pa­kikipagtagisan nito sa Game 3 na matutunghayan sa ganap na alas-3:30 ng hapon.

Ngunit, uhaw sa pa­nalo, pursigido ang FEU na makaresbak at muling makuha ang ta­gumpay buhat nang lu­mamang ito sa series opener, 75-70 mula sa matikas na galaw ni rookie guard RR Garcia.

Sa Game 2, naging masigasig ang Eagles kung kaya’t napataob nito ang kalaban at ang ginamit na sandata sa Tams ay ang maigting na depensa.

Ginanahan sa pagti­pa ng puntos, kumonek­ta si Salva ng 26 points ka­bilang ang 13 points produksyon sa 1st half na naging susi sa kani-lang panalo.   (SNFrancisco)

Show comments