Vicera nakalusot, Tipon nadisgrasya
VIENTIANE--Pinatunayan ni Pinoy boxer Bill Vicera na karapat-dapat siyang makasama dito sa 25th Southeast Asian Games.
Kahapon, muntik nang alisin ang kanyang event, ang 45 kg. pinweight division ng world governing body ng boxing dahil sa umano’y hindi kasama ang kanyang event sa Olympic boxing.
Ngunit hindi natabunan ng pagbabalik ni Vicera ang kabiguang tinamo ni Asian Games gold winner Joan Tipon kontra kay Chatchai Butdee sa kanilang laban sa 54 kg showdown, 9-4, noong Biyernes sa Olympasia Gymnasium sa loob ng National University dito.
Mahigpit at dikitan ang naging salpukan ng 24 anyos na si Tipon, gold winner sa 2006 Asian Games sa Doha, Qatar sa loob ng dalawang rounds, bago tuluyang yumuko sa laban.
Umiskor din ng impresibong panalo si Charly Suarez nang pabagsakin niya si Manuel Batisia ng Timor Leste. (Dina Villena)
- Latest
- Trending




















