Depensa susi sa pag-ahon ng Ateneo

MANILA, Philippines - Sumandig sa abilidad ni Nico Salva, nai­angat nito ang reigning UAAP titlist Ateneo tu­ngo sa 90-63 panalo la­ban sa Far Eastern U kahapon upang ipuwersa ang de­ciding title match ng Philippine Collegiate Champions League sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Subok na ang kaka­yahan, rumesponde si ­Sal­va sa pagtipa ng pun­tos at nagpamalas ng malakas na ata­ke upang magtala ng ga­me-high 26 points kabilang ang 13 points sa first half na gumiya sa Eagles sa panalo.

Bagamat nagpaulan ng maraming puntos, na­ging pangunahing­ san­data nito ang maig­ting na depensa ng Eagles.

“We played much bet­ter defense, that was the key. We didn’t even pay attention to our offense in preparing for this game,” pahayag ni Ateneo coach Norman Black na nag-uwi na nang back-to-back UAAP championships.

Matapos payukurin sa Game One, malupit na pinaghigantihan ng Eagles ang Tams at isulong ang decider para sa kanilang best-of-three showdown sa Linggo. (Sarie Nerine Francisco) 

Show comments