Depensa susi sa pag-ahon ng Ateneo
MANILA, Philippines - Sumandig sa abilidad ni Nico Salva, naiangat nito ang reigning UAAP titlist Ateneo tungo sa 90-63 panalo laban sa Far Eastern U kahapon upang ipuwersa ang deciding title match ng Philippine Collegiate Champions League sa Ynares Sports Arena, Pasig City.
Subok na ang kakayahan, rumesponde si Salva sa pagtipa ng puntos at nagpamalas ng malakas na atake upang magtala ng game-high 26 points kabilang ang 13 points sa first half na gumiya sa Eagles sa panalo.
Bagamat nagpaulan ng maraming puntos, naging pangunahing sandata nito ang maigting na depensa ng Eagles.
“We played much better defense, that was the key. We didn’t even pay attention to our offense in preparing for this game,” pahayag ni Ateneo coach Norman Black na nag-uwi na nang back-to-back UAAP championships.
Matapos payukurin sa Game One, malupit na pinaghigantihan ng Eagles ang Tams at isulong ang decider para sa kanilang best-of-three showdown sa Linggo. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending