^

PSN Palaro

Reyes, Bustamante talsik na

-

VIENTIANE--Maging ang mga world champion ay may masamang araw din.

Kahapon, tila namalikmata, lumasap ng matinding 7-4 na kabiguan ang magkumpareng Efren ‘Bata’ Reyes at Frtancisco ‘Django’ Bustamante sa kamay ng Thailand  at naglaho ang tsansa sa gintong medalya sa billiards and snooker 9-ball doubles ng 25th Southeast Asian Games dito. 

Paborito at iniidolo sa larong ito makaraang masungkit ang World Cup of Pool Champonship sa Manila, wala sa tamang daan ang dalawang pambato ng Pilipinas nang sa simula pa lamang ay tanggapin ang 0-3 deficit kontra sa Thai pair nina Nitiwat Kanjanasri at Surathep Phoochalam sa kanilang quarterfinal match sa Convention Hall ng Don Chan Palace. 

Bagamat nakabangon at naitabla ang laban sa 4-4, hindi na muling sumargo ang dalawa nang walisin ng Thais ang huling tatlong racks kabilang na ang mahusay na tira sa 9-ball para sa kapana-panabik na panalo. 

At ang kabiguan ng dalawa ay nag-iwan kina dating world champions Ronnie Alcano, Alex Pagulayan at reigning world 10-ball titlist Rubilen Amit ng mabigat na trabaho para sa Pinoy pool team.

Na­bigo din ang tambalang Reynaldo Grandea at Warren Kiamco sa English billiard double kina 3-0 Thai Praprut Chaithanasakun at Thawat Sujaritthurakan, 3-0. (DMVillena)

ALEX PAGULAYAN

CONVENTION HALL

DON CHAN PALACE

NITIWAT KANJANASRI

REYNALDO GRANDEA

RONNIE ALCANO

RUBILEN AMIT

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SURATHEP PHOOCHALAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with