^

PSN Palaro

Medalya sa cycling naglaho na: RP riders 'di pinayagan ng UCI lumahok sa SEAG

-

VIENTIANE--Tuluyan ng naglaho ang gintong medalya sa cycling event nang ibasura ng Union Cycliste Internationale (UCI) ang kahilingan ng Laos Southeast Asian Games Organizers na payagan ang Philippine Cycling team na kinikilala ng Philippine Olympic Committee na lumahok sa 25th Southeast Asian Games dito.

Sa ipinadalang email letter kay Laos National Olympic Committee Vice-president Kaseem Inthara, sinabi ni UCI president Pat McQuaid, na batay sa artikulo 1.1.002 ng UCI regulations, tanging ang mga riders lamang na may pinangha­hawakang balidong lisensiya ang maaaring lumahok sa cycling event na inorganisa o pinamamahalaan ng UCI, UCI continental confederations at UCI member federations o kaanib.

Nakasaad din sa sulat na ang lisensiya ay kailangang magmumula sa national federation (art.1.1008). Sa sitwasyon ngayon. Ang PhilCycling (Integrated Cycling Federation of the Philippines) ang kinikilalang national federation sa bansa.

 “Consequently, the UCI does not recognize the riders who hold another licence that the one delivered by PhilCycling,” nakasaad sa direktiba.

 Bunga nito, tuluyan nang isinara ang pinto para sa mga siklista sa grupo ni Romero para lumahok sa biernnial event maliban kay Martiess Bitbit na kapwa kinikilala ng kampo ni UCI-recognized PhilCyling head & Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino at POC-recognized camp ni Mikee Romero.

“This was a lost opportunity for the country,” wika ni PSC Chief Harry Angping. “Sending a team that would inevitably be prohibited from competing was a waste of resources,”dagdag pa niya.  (DMVillena)

CHIEF HARRY ANGPING

INTEGRATED CYCLING FEDERATION OF THE PHILIPPINES

KASEEM INTHARA

LAOS NATIONAL OLYMPIC COMMITTEE VICE

LAOS SOUTHEAST ASIAN GAMES ORGANIZERS

MARTIESS BITBIT

MIKEE ROMERO

PHILIPPINE CYCLING

UCI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with