^

PSN Palaro

Pinoy jins puntirya ang sweep sa poomsae event

- Dina Marie Villena -

Vientiane - Nangga­ling sa isang magandang kampanya sa katatapos na World Championships sa Cairo, Egypt, tatlong professionals na miyembro ng national team ang gustong magpakilala sa pagbubukas ng taekwondo competitions ng 25th Southeast Asian Games dito.

Ang mga ito ay sina Janice Lagman, isang re­gistered nurse, Rani Ann Ortega, isang sports science graduate at Camille Alarilla, isang economics graduate.

Ang 22-anyos na si­na Lagman at Alarilla at ang 23-anyos na si Ortega ang umagaw ng eksena sa 4th World Poomsae championship dalawang linggo na ang nakakaraan.

“We are happy and still excited. Ang saya sa­ya namin hanggang ngayon dahil hindi na­min inaasahan na mananalo kami,” wika ng tatlong taekwondo jins.

Bago sumabak sa poomsae noong 2007, sina Lagman, Alarilla at Ortega ay mga miyembro ng national sparring team.

“Mas nakakakaba ang maglaro ng poomsae keysa sa sparring. Dito kasi you need to maintain your balance, isang maling stroke can cause your team damage. Unlike in sparring kung maiskoran ka, you can still recover.”wika ni Lagman, nagtapos sa Trinity University of Asia.

“We really prepared hard for this SEA Games,” dagdag naman ni Ortega produkto ng University of the Phi­lippines.

Bubuksan ang labanan sa poomsae indi­vidual at team events bu­kas kung saan paboritong manalo ang mga Filipino.

“We are confident but we cannot be over-confident because Vietnam is also a force to reckon with,” ani Ala­rilla, isang Ateneo Blue Eagle at pamangkin ni Phi­lippine Ambassador to Laos PDR Marilyn Ala­rilla.

Ang iba pang miyembro ng national squad ay sina Olympians Antoinette Rivero at Tshomlee Go, na lalahok sa sparring event isang araw matapos ang pormal na opening rites bukas.

ALARILLA

ATENEO BLUE EAGLE

CAMILLE ALARILLA

ISANG

JANICE LAGMAN

LAGMAN

MARILYN ALA

OLYMPIANS ANTOINETTE RIVERO

ORTEGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with