RP team dumating na sa Laos

VIENTIANE--Puno ng determinasyong maibigay sa bansa ang ka­rangalan, dumating na ang main bulk ng Philippines delegation dito, na lalahok sa 25h Southeast Asian Games.

Binabanderahan ng magigiting na cue artists na sina Efren ‘Bata’ Reyes , Dennis Orcollo at Rubilen Amit ang may 200 atletang sa-sagupain ang mahirap na kom­petisyon na opis-yal na magsisimula sa Miyerkules sa National Sports Complex Main Stadium dito.

Sinabi ni Philippine Sports Commission chairman Harry Angping na nasisiyahan at magiging kuntento na siya kapag naiuwi ng delegasyon ang makatotohanang target na 32 golds habang pinipilit ni Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco na ka-yang lagpasan ito.

Noong nakaraang edisyon ng palaro sa Thailand, nagsubi ang mga Pinoy ng kabuuang 42 golds at nalagpasan ng Singaporte sa ikalimang posisyon.

Samantala, kailangan ng mga atletang ang moral boost na magmumula sa Thailand, para makatulong sa kanilang adhikain. (DMVILLENA)

Show comments