^

PSN Palaro

UAAP volleyfest papalo ngayon

-

MANILA, Philippines - Apat na koponan ang sesentro at umaasang magkakaroon ng magandang kam­panya sa pagbubukas ng UAAP women’s volleyball na papalo sa The Arena sa San Juan City.

Makikipagtipan ang Ateneo sa University of the Phi­lippines bandang alas-4 ng hapon habang haharapin naman ng University of the East ang National University sa pambungad na salpukan sa alas-2 ng hapon.

Magbibida sa kampanya ng Ateneo sina skipper Kara Acevedo, Bea Pascual, Gret­­chen Ho, Dzi Gervacio, Fille Cainglet, Jem Ferrer at Libero Stephanie Gabriel.

Nakamit ng Lady Eagles ang kanilang kauna-una­hang semifinals appearan­ce sa liga noong 2007-08 season sa pamamagitan ni­na Charo Soriano, Patti Ta­ganas at Karla Bello.

Ang pagbangon naman mula sa 2-12 marka noong nakaraang taon ang aasintahin ng Lady Maroons.

Sasandal para sa Lady Maroons sina veterans Ca­thy Barcelon, Carmela Lopez, South Ramos, Pau Ge­­nido, rookies Angeli Ara­­neta, Denise Data at Amanda Isada. 

Puntirya ng Lady Warriors na mapaganda ang kanilang sixth place finish, habang pipilitin ng Lady Bulldogs na makabangon mula sa pagiging kulelat noong nakaraang taon sa ilalim ng bagong coach na si Dante Alinsunurin.

Sa men’s volleyball, haharapin naman ng UP Maroons ang Ateneo de Manila sa alas-9 ng umaga na su­sundan ng bakbakan ng Un­iversity of Santo Tomas at De La Salle University sa alas-11 ng umaga.(SNFrancisco)

vuukle comment

AMANDA ISADA

ANGELI ARA

ATENEO

BEA PASCUAL

CARMELA LOPEZ

CHARO SORIANO

DANTE ALINSUNURIN

DE LA SALLE UNIVERSITY

LADY MAROONS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with