Fil-Am boxer bagong WBO champ

MANILA, Philippines - Sadyang hindi na mapigil si Fil-American bo­xer Ana Julaton sa pag-agaw ng eksena sa world boxing scene.

Matapos ang International Boxing Association (IBA) crown, ang World Boxing Organization super bantamweight title naman ang inangkin ni Julaton sa pamamagitan ng isang 10-round unanimous decision victory kay American Don-na Biggers kahapon sa HP Pavilion sa San Jose,

May 6-1-1 win-loss-draw ring record ngayon si Julaton kasama ang isang knockout.

Bago talunin si Biggers (19-9-1, 16 KOs), giniba muna ng 29-anyos na si Julaton ang be-teranong si Kelsey Jeffries (41-10-1) via majority decision para sa bakanteng IBA belt noong Setyembre.

Si Julaton ang natatanging professional bo-xer ng Pilipinas.

Nakasabay na rin ni Julaton, nakabase ngayon sa Daly City, California, sa pagsasanay sa Wild Card Boxing Gym ni trainer Freddie Roach si Filipino world seven-division champion Manny Pacquiao.

Sa kanyang pagsikwat sa IBA at WBO super bantamweight crowns, si Julaton ngayon ang nag-iisang female fighter na may dalawang mag-kaibang titulo. (Russell Cadayona)

Show comments