^

PSN Palaro

RP Patriots vs Indonesia

-

MANILA, Philippines - Sasagupa ang Philippine Patriots sa Satria Muda BritAma ng Indonesia sa ikatlong pagkakataon sa sariling balwarte sa hangaring ma-sweep ang elimination duel sa ASEAN Basketball League (ABL) Championship na gaganapin sa The Arena sa San Juan.

Sa unang dalawang pagkakataong nagharap ang mga SEA Games rivals na ito, na-ging mahigpit ang labanan kung saan nangailangan ang Patriots ng late game heroics nina Froilan Baguion at Warren Ybañez upang itakas ang 75-67 panalo sa Jakarta dalawang buwan na ang nakakaraan.

Naging magaan naman ang panalo ng Patriots sa ikalawang pagkikita matapos humataw sa second quarter para sa 74-56 panalo na nagkaloob sa kanila ng solo lead matapos gulantangin ng Kuala Lumpur Dragons ang Singapore Slingers, 86-74.

Sa likod ng mga panalong ito at ang kanilang home court advantage, umaasa si RP Patriots coach Louie Alas na magiging matensiyon ang laban kontra sa Indons sa kanilang paghaharap sa alas-4:00 ng hapon.

Samantala, magdaraos ang liga ng free throw shooting contest para sa mga fans sa mga breaks kung saan ang mananalo ay may tsansang manood ng laro ng Philippine Patriots laban sa Kuala Lumpur Dragons sa Malaysia sa Jan. 9 sa susunod na taon.

Sampung fans ang pipiliin at bibigyan sila ng 30 seconds para magshoot ng freethrows at angmay pinakamaraming puntos ang panalo. (Mae Balbuena)

vuukle comment

BASKETBALL LEAGUE

FROILAN BAGUION

INDONS

LOUIE ALAS

MAE BALBUENA

PHILIPPINE PATRIOTS

SAN JUAN

SATRIA MUDA

SINGAPORE SLINGERS

WARREN YBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with