Mavs wagi

EAST RUTHERFORD, New Jersey--Patuloy ang pagdausdos ng New Jersey Nets sa kanilang pinakamasang NBA record matapos na malasap ang pang-18th dikit na pagkatalo sa mga kamay ng Dallas Mavericks, 117-101 nitong Miyerkules.

Sa Atlanta, gumawa si Al Honford ng 24 puntos upang pamunuan ang siyam na scorers sa pagkana ng double figures kung saan inilabas ng Atlanta ang kanilang best offensive performance ng gabing ito matapos ang 16 taon.

Sa Cleveland, tumapos si Shaquille O'Neal ng 12 puntos laban sa kanyang dating koponan at pumalso naman ang triple-double ni LeBron James sa 107-90 panalo ng Cavaliers kontra sa Phoenix Suns.

Sa iba pang laro, nanalo ang Oklahoma Thunder sa Philadeklphia 76ers, 117-106; hiniya ng Orlando Magic ang New York Knicks, 118-104

Show comments