Alcantara, Patrimonio nasa quarterfinals na

MANILA, Philippines - Umusad sina Francis Casey Alcantara at Anna Clarice Patrimonio sa quarterfinal round makaraang idispatsa ang kani-kanilang kalaban at manatiling nasa tamang daan para sa boys’ at girls’ title sa Phinma International Juniors Week 2 sa Rizal Memorial Tennis Center.

Si Alcantara, umaasinta ng back-to-back crown matapos makuha ang first stage title, ay masyadong malakas para sa Japanese qualifier na si Takashi Saito, 6-0, 6-1, upang makatapat si Soichiro Oritani ng Japan na nanaig naman kay Italian Gianmarco Cacace, 7-5, 6-3.

Sa kabilang dako, patuloy ang mahusay na porma ni Patrimonio at silatin ang 5th seed na si Rana Sherif Ahmed ng Egypt, 6-1, 7-6 (3) sa girls’ side.

Makakaharap ng 16 anyos na si Patrimonio si Chinese fourth seed Ran Tian na nanaig naman kay Belgian Klaartje Liebens, 6-3, 6-1.

Makikipagtipan naman si Alcantara, sa magwawagi sa pagitan nina Romar Hernandez ng US at Japanese Takashi Saito sa Last 16.

Show comments