^

PSN Palaro

Texters sinorpresa ng Rain Or Shine

- Mae Balbuena -

MANILA, Philippines - Kinubra ng Rain Or Shine ang unang back-to-back win matapos maungusan ang pinapaborang Talk N Text, 95-93 sa pag-usad ng KFC PBA Philippine Cup na nagpatuloy sa Araneta Coliseum kagabi.

Bumangon ang Elasto Painters mula sa 20-point deficit at nagpamalas ng intrensibong opensiba sa endgame upang itala ang ikatlong panalo sa 10-laro sa kanilang debut game sa ikalawang round ng eliminations.

Umangat sina Ryan Arana tumapos ng 20 puntos, 11 sa fourth quarter at Jeff Chan na umiskor ng 14 points upang punan ang pagkawala nina Marcy Arellano (shin splint) at ng kanilang key player na si Sol Mercado (lagnat) para ipalasap sa Talk N Text ang ikaapat na talo sa 10-laro.

“We picked up our intensity sa second half,” pahayag ni Rain Or Shine coach Caloy Garcia. “ This is a big win for us. Its our first back-to-back I hope we keep our intensity.”

Nabaon ang Rain Or Shine, 34-54 sa kaagahan ng third quarter ngunit sa kanilang pagpupursigi ay naagaw nila ang kalamangan sa 92-91 sa three-point play ni Ryan Araña papasok sa huling 1:12 minuto ng labanan.

Umabante pa ng 12-puntos ang Talk N Text, 85-73, 6:38 ang oras sa fourth quarter at huling humawak ng trangko sa 93-92, papasok sa huling 68 segundo ng labanan.

Naagaw ng Rain Or Shine ang kalamangan sa reverse lay-up ni Jireh Ibanez at matapos ma-bigong makaiskor ang Talk N Text, nakakuha ng foul si JayR Reyes mula kay Harvey Carey para sa split shot at final score, may 2.3 segundo pang natira para sa Talk N Text.

Nabigong maisalba ni Jimmy Alapag ang Talk N Text nang kapusin ang kanyang tres bagamat nagaroon sila ng tsansang maisalba ang laro.

Nagmintis si RenRen ritualo sa three point shot may 3 segundo na lang ang nalalabi upang tuluyan malasap ang kabiguan.

Dahil sa panalong ito ng Elasto Painter nakatabla nila ang Burger King Whoppers sa ikapitong puwesto

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban ang Purefoods (5-4) at Coca-Cola (1-8).

Rain Or Shine 95 - Arana 20, Chan 14, Norwood 13, Hrabak 12, Reyes 11, Telan 11, Laure 6, Cruz 3, Ibanez 3, Tang 2, Dulay 0.

Talk N Text 93 - Carey 14, Peek 14, De Ocampo R. 13, Alapag 13, Cardona 12, Dillinger 8, Castro 6, De Ocampo Y. 6, Ritualo 4, Belasco 3.

Quarterscores: 14-23, 34-52, 65-71, 95-93.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BURGER KING WHOPPERS

CALOY GARCIA

DE OCAMPO R

DE OCAMPO Y

ELASTO PAINTER

ELASTO PAINTERS

HARVEY CAREY

RAIN OR SHINE

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with