MANILA, Philippines - Pumasok sa championship round ng World Ten Ball Championship ang pinakamainit na player sa pool circuit na si Mika Immonen.
Nakuha ni Immonen ang finals slot makaraang igupo ang Pinoy na si Antonio Lining, 9-7 sa World Trade Center.
Hihintayin na lamang ng Finnish ace ang magwawagi sa pagitan nina Lee Van Corteza ng Philippines at David Alcaide ng Spain.
Naghabol pa si Immonen sa 4-1 nang makuha ni Lining ang momentum sa kalagitnaan ng kanilang laban.
Kapwa nagpalitan ng racks halos maubusan na sila ng breaks.
Lumamang pa si Lining sa 7-6 nang magmintis si Immonen sa orange ball No. 6 sa side pocket, ngunit sa sumunod na tatlong racks ay nakuha ng Finnish player na tagasubaybay din ng Pilipinas may pitong taon na ang nakakaraan.
“It’s really nice to play here in the Philippines and I’m looking forward to win one, more particularly the World Ten Ball,” wika ni Immonen, na inalala ang 13-12 na tagumpay niya sa Philippine Open noong 2003 laban kay Efren ‘Bata’ Reyes na pinakamemorable niyang kampeonato.
Nakontrol ni Immonen ang laban sa huling tatlong racks. Sa 14th rack nakuha nito ang bentahe sa mintis na tira ni Lining sa ball No. 1 na bahagyang bukas
Sa 15th, binasag naman ni Immonen ang final deadlcok na laro sa kanyang runout.