^

PSN Palaro

Ikalimang sunod na panalo asinta ng Patriots

-

MANILA, Philippines - Tatangkain ng Philippine Patriots na tumatag sa pinanghahawakang liderato sa pag-asinta nila ng ikalimang sunod na panalo laban sa Thailand Tigers sa ASEAN Basketball League (ABL) Championship sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Napantayan ng Patriots ang four-game winning run ng Singapore Slingers at ang isa pang panalo laban sa Tigers ngayong alas-4 ng hapon ay magbibigay sa kanila ng karangalan bilang unang koponan na makakapagtala ng limang sunod na panalo sa six-nation tournament.

Naniniwala sina coach Louie Alas at team manager Erick Arejola na mataas ang kanilang tsansa lalo na’t napagwagian ang lahat ng tatlong laro nila sa sariling balwarte kabilang na ang 74-61 panalo laban sa Tigers sa una nilang pagtitipan.

Dinaig din nila ang Slingers at Satria Muda BritAma ng Indonesia ang kanilang pinakamahigpit na kalaban sa home-and-away tournament na papasok na sa ikalawang buwan.

Samantala, ang kinanselang laban ng Patriots laban sa Brunei Barracudas bunga ng Bagyong Ondoy ay gaganapin sa Disyembre 21 sa Ynares Sports Arena.

vuukle comment

BAGYONG ONDOY

BASKETBALL LEAGUE

BRUNEI BARRACUDAS

ERICK AREJOLA

LOUIE ALAS

PHILIPPINE PATRIOTS

SATRIA MUDA

SINGAPORE SLINGERS

THAILAND TIGERS

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with